one week na akong sobrang daming ginagawa na kung iisipin eh nakakalunod na sha talaga. pero di naman ako nag iisa. actually, buong online marketing team yata ito ang dilemma. at ang deadlines eh kung hindi sabay-sabay, sunod-sunod naman. halos everyday na ako mag OTY tapos pag uwi eh mag wowork pa din. wala naman akong choice kasi may deadlines akong dapat i-meet.
pero habang na sstress ako sa trabaho, may mga pag realize na naganap sa buhay ko. nandito na yung mga mga taong sadyang pain-in-the-ass talaga na willing ka naman pagsilbihan sila pero imbis na maging thankful sa ginawa/gagawin mo para sa kanila eh ipapahamak ka pa. sa totoo lang, sobrang dami na ng source ng stress ko sa buhay.. nakakaiyak isipin na konting pag unawa lang naman ang hinihingi mo pero parang di nila ma-gets yun at lalu ka pang pahihirapan. hindi makatao ika nga.. at ayun nga, di pa nakuntento, sisiraan ka pa! ito yung mga tipo ng tao na ang taas ng tingin at respeto ko pero ng dahil sa maliit na bagay, sisirain ka nila either sa pamilya mo o sa mga katrabaho mo. matatawag mo bang mature move yon?
anyway moving on, isa pa sa mga realizations ko ay inspite of the presence ng mga taong nabanggit ko sa taas, ay may mga tao na kahit ginawan mo ng masama dati, eh willing pa din sila maging mabait at matulungin sayo. meron isang tao na ang laki ng kasalanan ko sa kanya dati. kinakahiya ko ang mga maling nagawa ko sa kanya, pero hindi ko naman dinedeny yun at aminado ako dun. madalas pag kinakausap o i-aapproach ko siya ngayon ay naiilang ako kasi parating sumasagi sa isip ko yung mga masasamang nagawa ko sa kanya dati. nakakatuwa (at nakakatouch talaga) isipin na willing pa din shang tulungan ako pag nakikita niyang nahihirapan na ako at mag ddevote sha ng oras niya kahit na madami din shang ginagawa. sinusuportahan niya ako at nag iiwan pa ng words of encouragement pag inaatake na ako ng stress sa work. sa pagiging bully ko sa kanya dati, never ko talaga naisip na mafoforgive pa niya ako pero tingnan mo ngayon, tinutulungan pa niya ako sa paraang kaya niya. minsan, gusto kong i-hug na lang siyang bigla tapos mag sosorry talaga ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya. siguro kung mababasa niya to, malalaman na niya agad na siya yung tinutukoy ko dito.
kung magawi ka man sa Blog ko, gusto ko mag sorry (alam ko nag sorry na ako dito pero alam ko di sapat yun) sa lahat lahat LAHAT ng masasamang nagawa at nasabi ko tungkol sayo. siguro alam na alam mo na impulsive ako sa mga bagay bagay kaya ko nasabi o nagawa yung mga bagay na nakasakit ng damdamin mo. pero despite of that, andiyan ka pa din willing to help me in your own way. sobrang na ttouch (and at the same time, nahihiya) ako pag nag ooffer ka ng help para mabawasan yung mga ginagawa ko kahit na madami ka din ginagawa at gusto kong malaman mo na i will be forever grateful sa mga yon. dko hinihingi na maging friends tayo dahil sobrang hindi talaga naging maganda ang mga nangyari sa past pero gusto kong malaman mo na kung kelangan mo ng tulong, related man sa work o sa kahit anong bagay, basta kaya kong ibigay, makakaasa ka sa tulong ko. maraming salamat at again, sorry.
ayun lang.. i guess the summary of my two realizations will be people will be entering your life as a friend and leave as an enemy. but then, these people will be replaced by those whom you treated bad but is still willing to help you whenever you need it.
sorry sa emo post. pero i think this deserves a slot on my Blog :)
No comments:
Post a Comment