masarap mag lakwatsa at mag foodtrip (ng sabay) pag may kapatid kang magaling magluto. so nung nalaman namin na wofex season na, edi shempre gorabels kami! at lalu pa kaming ginanahan pumunta nung nalaman naming may voucher na inoofer ang metrodeal dun. the tickets are priced ahundred each. pero sa metro deal, sa halagang 100 pesos, may two tickets ka na! yeah!
anyway, usapan namin eh by 11am dapat nasa venue kami. tatagpuin kasi namin dun si dhally at yung co-manager ni erica sa le cour. pero kelan ba naman kami naging on-time? nyahahaha... dumating kami sa venue ng 11:30 pero guess what, kami pa din nauna dun. so habang hinihintay namin dumating yung mga kasama ni erica, naglibot libot na din kami.
madami din naman nag participate sa wofex. yun nga lang, karamihan eh mag food equipment ang product. espresso machine, deep fryer, burger fryer, plastic containers, etc. pero madami pa din naman mga foodums. at sinulit talaga namin ang mga free taste
nung napagod na kami, naghanap kami ng 'matinong' makakain (yung hindi free taste lang) at yun na ang ginawa naming lunch. naglaway talaga ako sa hungarian sausage so yun ang binili ko. ng makapag pahinga na, libot ulit kami at bumili ng kung anu anong chicha.
ang maganda sa wofex, mabibili mo yung mga foodums na gusto mo sa mas murang halaga. may nabili pa nga akong jampud dun na hindi pa publicly available. pero since nasarapan ako sa kanya (courtesy of free taste) bumili ako ng tatlong mahahalaga sa halagang 15 pesos each. bumili din ako ng maraming kape (hindi ako adik sa kape. argh!!!) at high fiber whaet bread. si erica naman bumili ng onion rings, at... dko na matandaan
nung nagsawa na kami sa world trade center, lumipat naman kami sa SMX. dalawa kasi yung venue nila pero more on competition yung nasa SMX. buti na lang at nag offer sila ng free shuttle service. hindi na kami nahirapang mag commute. nagsawa naman kami sa cakes at pastires dun. yung nga lang, walang free taste. pang viewing at photography lang sha. booooooooooo! haha...
nakakapagod pero all worth it! next year, pupunta ulit ako! sana mas marami ng foodums na may free taste
No comments:
Post a Comment