Nakakatawa man isipin ngunit minsan, nagkakamali pa din tayo kahit madali lang ang dapat nating gawin. Tulad na lang ng nangyari sa 'kin kaninang umaga papasok sa office.
Dalawang jeep ang sinasakyan ko sa umaga. yung una, papuntang pasong tamo na maayos naman ang byahe. Medyo uncomfortable nga lang ang upuan sa jeep. Ang taas niya kasi at sumasayad yung ulo ko sa bubungan. So parang ang tangkad ko di ba?! hehe... Pero ayus naman. smooth ang byahe.
Pag dating sa pasong tamo, sasakay na ulit ako ng jeep na papuntang mantrade. Mei mga jeep doon na nag pupuno talaga at hindi umaalis hangga't di nila nakikitang naiipit na lahat ng pasahero nila. Since nag mamadali ako, naisip kong mag hintay na lang ng mga jeep na hindi na nag pupuno at umaalis din agad para di ko na kailangan pang mag hintay ng pagka tagal tagal.
Edi ayan na.. dumating na ang jeep na hindi na nag pupuno. Mei sumakay na ale na nag mamadali. Ewan ko ba pero parang mei instinct akong naramdaman na hindi na ako nag dalawang isip at sumakay na din ako. Nang umandar na ang jeep, bigla akong napaisip... TAMA BA ANG JEEP NA NASAKYAN KO?! Dalawa kasi ang byahe ng jeep doon. Isang LRT Buendia na kumakaliwa pag dating ng Gil Puyat, at isang Mantrade na dadaan ng Makati Cinema Square. Ang dapat kong sakyan ay Mantrade na hindi ko alam kung yun ang byahe ng jeep dahil di ko naman tiningnan ang karatula niya sa harap. Nag panic ako! Ayoko pa namang mag bayad kasi mali nga ang nasakyan kong jeep at mapapamahal ako sa pamasahe kasi pag nagkataon, mag dadalawang sakay ako. Pero di ko pinahalata ang pagiging uneasy ko sa ibang pasahero. Cool lang... pero nag iisip na din ako kung anong magandang gawin. Taimtim akong nagdasal na sana tama ang sinakyan ko dahil ayokong ayokong napapahiya or nagkakamali sa harap ng ibang tao. Tumingin tingin ako ng sign para malaman kung tama ba o mali ang sinakyan ko. Naisip kong tingnan ang karatula ng jeep na nakaharap sa akin. Ang nakalagay ay PRC Kaliwa. At doon ko na napagtanto na na WOW! MALI ako. ang susunod na hakbang ay ang paano ako bababa sa jeep ng hindi ako magbabayad para 7.50 lang ang lalabas sa wallet ko.
isip ako ng isip ngunit unti unti na din lumalapit sa buendia ang jeep na sinasakyan ko. Nang bigla na lang mei parang bumbilyang umilaw sa ulo ko. "AHA!!! ALAM KO NA!!!" Obviously, alam ko hindi dadaan ng Herrera ang jeep. So ang ginawa ko, nag panggap akong di ko alam kung saan ang herrera. Tinanong ko ang driver "manong, dadaan po ba kayo sa herrera?" Sabi niya 'Naku hindi eh'. Sabay sumabat ang babaeng katabi ko 'Dapat Ayala ang sinakyan mo. Tatawid ka sa kabila tapos sakay ka ng jeep papuntang Ayala'. Medyo naloka ako sa sagot ng ale. Ayala?! Bakit ako sasakay ng jeep papuntang Ayala? Naalala kong mei Herrera nga pala dun at oo nga pala di ko alam kung saan ang herera. Nagpapanggap nga pala ako. Hehe... So sabi ko 'ah ganun po ba. Sige po maraming salamat po'. Sakto pag liko ng jeep sa Buendia bumaba na ako at tumawid na ako sa mei Export Bank. Buti na lang walang jeep o bus na papuntang Ayala so kunwari nag hihintay ako ng masasakyan. Pagka alis na pagka alis ng jeep, nag lakad na agad ako papuntang sakayan para makasakay ng jeep papuntang Mantrade. Haaay... Buti na lang at natakasan ko yung jeep. Hehe...
Sorry po manong driver. Di na po mauulit. Sa susunod titingnan ko na po talaga yung karatula ng jeep niyo. :D

2 comments:
HAHAHAHA!!!!
nag 1-2-3 ka.... woot
amp! hindi totoo yan! whahahaha.. defensive eh no...
Post a Comment