haaay... sa maniwala kayo o sa hinde, mei bomb threat kahapon (at exacly 12:30 p.m) dito sa building namin. buti na lang tapos na ako kumain nun! at buti na lang, sakto pag labas ko ng CR tsaka nag announce si kuya joel na kelangan naming bumaba dahil mei bomb threat nga daw. naku kung hindi, kulong sa banyo ang beauty ko o di kaya super mag tataka ako kung bakit walang tao sa office. nyahahaha... well, ganito kasi yun...
at around 12 noon, masaya pang kumakain ang zimplizity sa pantry. shempre walang katapusang tawanan and everything. napansin namin na birthday pala ni lola (march 20) so nung pumasok siya sa pantry binati namin siya. hehehe... wala lang share ko lang. so ayan na tapos na kami kumain. naisipan ni aldo, bart, at sir mike na pumunta sa MCS kasi bibili yata sila ng mga bagong DVDs. niyaya naman nila ako pero tumanggi ako kasi pupunta pa ako ng bangko para mag bayad ng mga kautangan (haha...). pero bago ako pumunta ng bangko, nag banyo muna ako para mag retouch ng mga dapat i-retouch. tapos ayun. sakto pag bukas ko ng pintuan ng CR nakita ko sila miss peggy tumatakbo papalabas. edi shempre nag panic ang lola niyo. tapos pag labas ko ng pantry nakita ko sila EZ, si lola, kuya joel, ang HR, regina, at kim na nakatayo na para bang gulantang lahat at nag pupulong. clueless ang lola niyo. so nung isa isa silang lumabas dala ang mga gamit nila, sumama din ako. aba ayokong maiwan sa loob ng office ng hindi alam ang nangyayari no! pag labas namin sa reception area, tinanong ko si Lai kung anong meron. eh ayun nga... mei bomb threat daw sa building. pero wag kayong mag alala. hindi naman sa DirectWithHotels mismo. sa second floor naman. haha... akala niyo mei threat na kay lolo no? :p nyeh nyeh...
so ayun... bumaba na kaming lahat. wala ng tao sa building. lahat kami nasa labas na pero parang hindi naman affected lahat. yung iba nag papapicture, yung iba tawa ng tawa, karamihan yosi. parang street party lang. haha.. nakakaloka nga si lolo.. walang kaalam alam. galing yatang EV. tapos pumasok sa building. ni hindi man lang nahalata na napapaligiran na ng mga pulis at SWAT team ang entrance. kelangan pa siyang habulin ni lola para lang pigilan pumasok (sayang!) haha... tapos si EZ naman, cool na cool. ewan ko kung saan dumaan yun kasi di naman namin nakasabay sa elevator. pero pag baba niya, nag posing pa muna sa entrance habang umiinom sa kanyang coke in can. kakatuwa...
turns out, mei nakaiwan lang ng bag sa second floor na puro papeles lang ang laman. ang masama pa nito, empleyado pa mismo yata ang nag mmay ari nun. sus. negligence talaga. ginambala niya ang buong building dahil lang sa katangahan niya. asarness kami pero ayus lang! nabawasan ng almost 30 minutes ang working time namen. hehe...
yung iba nag bibiruan pa.. sabi, baka estudyante lang yun sa second floor na bumagsak sa english class niya kaya nag threat. hahaha... kakaloka...
oh ito picture courtesy of Launch Team. di makikita diyan na panic kami. nyahaha...
mga nakakagulo ng isipan...
bomb threat sa bldg namin
Labels:
office mode
No comments:
Post a Comment