ang hirap mabuhay yun lang. hahaha... daming gastos!
bago ko pa matanggap ang sahod ko, binubudget ko na ito at dinidistribute sa mga bayarin. bayad sa meralco, pldt, cable, globe... pati bayad sa credit card kasama na. kaya naman bago pa lubusang pumasok ang kinita ko sa loob ng 15 araw, alam ko ng ubos na ubos na sha.
kahapon ko natanggap ang sahod ko. maaga kumpara sa ibang kumpanya na saktong katapusan nagbibigay ng sahod ng mga empleyado. swerte na lang ako dahil mababait ang finance ng DirectWithHotels. pro-employee! naks! hahaha... malaking bagay yun kasi maaga din ako makakapagbayad ng sangkatutak na bayarin.
sa ngayon, nag hihintay na lang ako ng mga statement of accounts na darating. ready na ang pambayad at any moment now eh ubos na ang kinita ko sa loob ng kalahating buwan. ganun lang kabilis ang pera... parang hangin...
hindi naman ako minimum wage earner. at kumpara sa iba, masasabi kong malaki din naman ang sinasahod ko bilang online marketing manager. pero totoo ang kasabihang 'more money, more problem' mas malaki sahod mo, mas madami kang gastusin. wala pa man din akong raket. kung may magbibigay, bakit hindi (ahem!). pero kung wala, ok lang din naman. i value my 'me time' pa din naman kahit papano.
so ayun lang... buntong hininga... konting rant...
No comments:
Post a Comment