friday ng mga 8:30 ng umaga, umalis ako ng bahay papauntang office. di kami sabay pumasok ni chris kasi iba ang gusto niyang daanan. normal ang araw na to... sumakay ako ng jeep byaheng makati na binabaybay ang kahabaan ng san andres bukid. sa may paglagpas ng riles (pagtawid ng osmena highway), nakaugalian na ng mga jeep na huminto doon at kumuha ng mga pasahero. may babaeng sumakay na may dalang laptop kasabay ng iba pang bagong baba sa tren. ng aandar na sana ang jeep, may dalawang lalaking humabol sa pagsakay. ang isa ay tumabi sa akin sa kanan at ang isa naman at umupo sa tapat. magkakilala sila at magkausap habang umaandar kami. nakaupo ako sa may bungad at medyo nainis sa katabi ko dahil nakatalikod sha sa akin at madalas ang kanyang pagsandal pag umaandar ng mabilis ang sasakyan.
sa may bandang pasig line, kahit naka headset ako eh dinig ko ang pagpara nung lalaking nakaupo sa tapat. ng huminto ang jeep, di agad siya bumaba at bagkus ay sumigaw ng "o walang magulo ha! holdap to!" nanlaki ang mata ko dahil first time maka experience ng ganito. kasabwat niya ang lalaking katabi ko at kinuha ang bag nung babang katabi niya sa kabilang side. humarang sha sa may pinto kaya walang nakababa para humingi ng saklolo. saktong nasa bungad ako at pilit na kinukuha yung bag ko. mabuti na lang at body bag sha na nakasuot sa aking katawan kaya hindi niya ito basta basta mahila. nagmakaawa akong wag ng kunin ang bag ko. inisip ko kasi ang mga laman nun. cellphone, wallet, at sangkatutak na mga government issued ID na sobrang hirap asikasuhin at kunin. binitawan niya ang aking bag sa pag aakalang sumuko na sha. pero hinawakan niya ulit to at pilit na hinila sa akin. yung isang magnanakaw naman ay dko napansin kung ano ang ginagawa. pero nung nakuha na niya ang gusto niya, sinabi niya sa kasamahan (dun sa humihili ng bag ko) na "tara na!" binitawan na niya ang bag ko at bumaba na sila ng jeep.
medyo puno ang jeep at karamihan ay lalaki. pero may dalang kutsilyo yung isang magnanakaw kaya naman walang makapalag. swerte lang din ako na yung isa pang magnanakaw na pilit kumukha ng bag ko ay walang dalang kutsilyo o armas. kaya naman kahit hindi ako pumayag na ibigay ang bag ko ay wala namang nangyaring masama sa akin.
dalawang pasahero lang ang nakuhaan ng gamit. yung isang babae na katabi nung holdaper na katabi ko din. at yung isa pang babae na may dalang laptop. pagbaba ng mga holdaper at pag andar ng jeep, nag usap usap kaming mga pasahero. napagtanto namin na yung talagang sinundan yung babaeng sumakay na may dalang laptop. nung sumakay sha ay humabol din ng pagsakay yung dalawang magnanakaw. yung isa babae naman ay nadamay lang. umiiyak sha at nagsabing kassweldo pa lang niya. binigyan na lang namin sha ng pamasahe para makauwi o makapasok sa trabaho. yung dalawang matandang babae na kasakaay namin sa jeep, nasabing maswerte ako dahil hindi nakuha yung bag ko.
pagbaba ko ng pasong tamo, tinawagan ko agad si bhebhe at sinabi ang mga nangyari. dadaan din kasi sha dun at baka matyemuhan ang mga magnanakaw. dinescribe ko sa kanya ang kanilang mga damit. yun na lang kasi ang natatandaan ko dahil dko mashadong nakita ang mukha.
pagdating ko sa office, huminga muna ako saglit dahil i am having a hard time understanding and absorbing what happened. nakaka trauma pero super thankful ako na walang nangyaring masama o nakuha sa akin.
dko alam kung ano ang moral lesson na nakuha ko sa experience na to. pero na realize ko na wala na talagang pinipiling oras ang magnanakaw. kahit umaga, di mo pa din masasabing safe ka. napag desisyunan kong NEVER dumaan dun or sumakay ng jeep pag may dalang laptop. i will never take a chance!

No comments:
Post a Comment