hello gusto kong ipakilala sa inyo si spongebob. ang aking spoiled pet nakuha ko siya last may 12, 2011. mag dadalawang buwan pa lang sha saken pero four months na sha sa june 28, 2011. nakuha siya ni bhebhe sa kapitbahay nilang may bagong panganak na aso. at shempre si spongebob ang pinakacute sa kanilang magkakapatid kaya siya ang napiling ibigay sa akin ni chris. di namin alam ang eksaktong breed niya (kung meron man). sabi nung kapitbahay nila chris na pinanggaling ni spongebob eh askal ang nanay niya. pero yung tatay, panigurado may breed. di nga lang nila alam kung ano. di din namin alam ang exact birthdate niya. basta ang alam lang namin eh two months na sha nung nakuha nila chris so inassume na lang namin na feb 28 siya pinanganak. napa injectionan na namin siya ng rabbies vaccination last week dahil sobrang kulit na niya ngayon. napaka maharot at pag nakikipag harutan eh parating nangangagat (playful) naman. for assurance lang naman yung vaccination.
mabilis ang paglaki ni spongebob. sabi ni chris, pag nakikita niya yung mga kapatid ni spongebob (na hiningi din nung iba nilang kapitbahay) eh si spongebob ang pinaka malaki, pinaka mataba, at pinaka masigla. palibhasa SPOILED kasi. sa bahay namin, tatlong beses siya kumakain sa isang araw. breakfast, lunch, at dinner. pero mas spoiled siya pag nandun siya sa bahay nila chris. limang beses siya kumakain dun kasi may dalawang meryenda pang kasama. pag may work ako o may kelangang puntahan, dun muna siya tumatambay sa bahay nila chris kasi walang mag aalaga sa kanya dito sa bahay namin. so see? napaka spoiled niya talaga! dalawa pa ang bahay niya
hindi siya dilaw at hindi din siya square kagaya ni spongebob. yun ang ipinangalan ko sa kanya dahil obvious naman siguro na love na love ko si spongebob. at ayoko na din mag isip ng kumplikadong pangalan. hindi common pero hindi din naman weird (well, sort of).
sinasama namin siya pag nag sisimba kami. so masasabi kong madasalin siya pero katulad ng ibang mga bata, di din niya maiwasang maglaro habang nasa simbahan kaya madalas namin siyang sawayin. sobrang likot din niya pag nasa bahay. nakasira na siya ng isang pares ng slippers ko at nanganganib na din bumigay ang slippers na pinalit ko dun. binilhan ko din siya ng teether pero di din ito nagtagal dahil sobrang pinanggigilan niya. binilhan din siya ni mamang at papang ng stuff toy sa toys R us na paborito niyang kagat kagatin pag naglalaro siya. kaya lang may nakakainis siyang ugali.. yun ay ang pagkagat sa mga binti namin at madalas na pag pupumilit sumampa sa kama ko. ng dahil dun ay madalas ko siyang mapalo
so ayun na lang muna... balak namin siyang ipasyal sa mall of asia one of these days pero i-ttrain muna namin siya na wag poopoo ng poopoo at wiwi ng wiwi. sa bahay kasi madalas niyang gawin un. nakakapikon mag linis. hahaha... or siguro suotan na lang namin siya ng diaper
No comments:
Post a Comment