naranasan niyo na ba yan? tumutulong ka na nga, sayo pa magagalit. ikaw pa ang sasabihan ng masama. ako, kaka experience ko lang kaninang hapon. huwag niyo na lang itanong yung details. baka kasi mag PM pa ulit siya sa akin at sabihan nanaman ako ng
hindi naman kami close. ni hindi kami friends in real life. siguro sa cyberworld lang. ni hindi ko pa nga siya nakikita. eh samantalang ako, nagkalat na ang picture ko sa net. i-google mo lang yung gurlalien eh puro ako na ang lalabas. tingnan mo naman, hindi kami close pero tinulungan ko pa rin siya. kaya sobrang na shock ako nung nag bitaw siya ng masasakit na salita. actually, dapat wala lang yun sa akin. dapat hindi ako affected kasi nga wala lang siya sa akin. kung baga, hindi naman talaga kami magkaibigan sa totoong buhay. nakakasakit lang ng damdamin kasi mabuti naman yung intensyon ko. pero nag bitiw siya sa akin ng mga salitang hindi ko expected at in my point of view, hindi ko deserve. kung napahamak ko man siya, hindi yun ang gusto kong mangyari. siguro nga, magkaiba lang talaga kami ng pananaw sa nangyari.
siguro sa isang banda, kasalanan ko. kasi nga naman, sinabihan na akong wag makialam pero nakialam pa rin ako. nakialam ako sa pag aakalang mababago ko ang mga pangyayari at maiiwasan ang isang gulo. kaya lang, ika nga niya eh lalu ko lang siyang pinahamak. akala ko kasi, maliligtas ko siya sa gulo. akala ko, pag tatanggol ang ginawa ko. hindi pala ganun yun sa pananaw niya.
siguro nga emote mode ako ngayon. nasaktan lang siguro ako sa nabitawan niyang mga salita. sana hindi ko na lang sinabi yun. sana hindi na lang ako nakialam. sana hindi na lang ako naging concern sa kanya.
oh well... nangyari na... sana lang mei mag reply ng mod sa akin para tuluyan na akong ma-ban.