matagal ko ng naririnig ang sabi sabing 'pag marunong kang mag drive sa pilipinas, magaling ka ng driver' akala ko naman OA lang na chismis yun. sa ibang bansa daw, madali lang mag drive kumpara sa pilipinas na parating para bang obstacle course na may kasamang IQ at EQ test ang pagmamaneho.
pero today, na realize kong totoo pala itong kasabihang ito. nakakaloka pala talagang mag drive sa busy roads ng pilipinas. partida kanina sa jupiter/bel air/pasong tamo, makati area pa lang ako nakapag try. di pa talaga sa super main roads kagaya ng edsa, C5, o SLEX. barubal ang mga drivers dito lalung lalu na yung mga jip. taena talaga! at hello... mga walang pakundangan ang mga hayup. nag susumigaw na nga ang nakalagay sa likod ng oto na "caution: student driver" at walang sawang pag ilaw ng aking hazard lights, binubusinahan pa din ako para sabihing "get out of the way! i want to pass through" ano pa kaya kung bus driver na ang kasabayan ko... himatayin na lang ako bigla. hahaha...
na survive ko naman ang challenge na ito. kung sa bagay saglit lang naman yun. wala pang 10 minutes dahil napa iksi lang nung daan kung saan ako nag maneho. na realize ko din na mahirap i-control ang manibela. dati pag nanonood ako ng mga taong nag ddrive, para bang ang dali lang i-manage nito. pero wag ka... dapat kabisado mo yun pati ang tansha sa pag ikot kung liliko ka. di pa man din power steering yung manibela ni sir ceasar. kaya manu manung kabig kanina. hahaha... masayang nakaka nerbyos. nag kape pa man din ako kanina sa office. ay naku... atat na atat na talaga akong mabihasa mag drive. gusto ko na magmaneho ng oto para makapag lakwatsa na kung san san...
last session na namin ito at madami akong natutunan sa CNR driving school. napaka detailed ng pag tuturo niya na kadalasan eh information overload. oo sulit ang binayad kong 2K para sa mga tinuro niya sa akin pero sana lang, more time to practice yung mga tinuro niya. kung baga, kulang na kulang ang oras sa actual driving. balak kong mag enroll ng refresher course para matry lahat ng tinuro niya. ang hirap lang talaga matuto mag drive pag wala kang oto. ang hirap i-apply ng mga natutunan mo. parati niyang sinasabi, i-practice ko kahit nakaupo lang ako sa silya o bangko. pero iba pa din yung totohanan na eh...
sana may magpahiram sa akin ng oto pang practice lang. para dko na kelangan mag refresher. harhar...

No comments:
Post a Comment