October 31, 2011, Monday at around 4PM - schedule kong mag grocery ng mga kailangan dito sa bahay. sa puregold, paco ako namimili since mura at malapit lang sa bahay. sa san isidro corner a.linao kami (kasama si chris) sumakay ng jeep papuntang paco. sakto kasing sa puregold ang daan nun. sumakay kami sa maliit na pulang jeep. tatlo lang ang pasahero nung jeep nung sumakay kami at puro mga babae iyon. nang malapit na kami sa meding, may papalabas pala ng sasakyan dito na tila hindi napansin ni manong driver. buti na lang at yung isang matandang babae ay napasigaw ng 'may kotse'. nakapag break naman si manong at hindi na nabangga ang vios na lumabas ng meding. medyo napalakas ang preno ni manong kaya medyo nadulas ako sa upuan papalapit sa likuran niya. ayus lang at hindi naman ako nasaktan o anu man. yun lang, napansin ko na tila ba wala sa sarili si manong. kung san san siya nakatingin at hindi sha naka concentrate sa kalyeng dinadaanan o tinatahak namin.
pag lampas ng saint anthony, madaming sumakay sa jeep at napuno ito. halos lahat ng pasahero mga babae. dalawa lang ang lalaki (si chris at yung isang lalaki na nakaupo sa harap). maayos naming natahak ang a.linao hanggang sa quirino highway. ngunit pag tawid ng highway, dun na nangyari ang aksidente. hindi nanaman naka concentrate si manong sa dinadaanan namin at nakatingindaw siya sa rear view mirror na para bang may tinitingnan sa likuran. ng dahil dito, nabunggo namin ang jeep na naka hinto sa kaliwang side ng kalye. hindi naman kabilisan ang takbo ni manong (mga 40-60 kph lang siguro) pero napakalakas ng impact! first time kong maaksidente ng ganito pero mabuti na lamang at kasama ko si chris dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkataon. mabuti na lang din at walang masamang nangyari sa amin ni chris at hindi ako nasugatan. nagkaron ng konting galos si chris dahil hinarang niya ang kamay niya para pigilang madala ako sa lakas ng impact. yung babaeng nakaupo sa harapan, hindi kinaya ang impact. kung di ako nagkakamali duguan ang ulo niya pero conscious naman. nakakaawa dahil iyak sha ng iyak at wala shang kasama that time. pinababa na ako ni chris ng jeep at nilayo na ako sa pinag ganapan ng aksidente. galit na galit sha sa driver at gusto niya talaga itong awayin dahil napaka irresponsable nito pero pinigilan ko na lang sha dahil wala namang maidudulot ng mabuti iyon. instead, sinabihan na lang niya yung driver na dalhin sa ospital yung babaeng nasugatan. nag sorry yung driver sa amin pero seriously?! ano pa bang kabutihan ang maidudulot ng sori niya? the damage has been done! pasalamat na lang talaga sha at hindi kami nasaktan ni chris kundi... haaaay naku!
hindi ko na picturan ang *scene of the crime*. hindi ko din napicturan ang plate number ng jeep na nasakyan namin. marahil ng dahil sa trauma at pagkabigla. pero tandang tanda ko ang itsura niya. maliit lamang sha na jeep (mga tipong animan lang) at red ang kulay niya. hindi na rin namin nagawang bawiin ang pamasahe namin. medyo malayo pa kasi ang puregold sa pinangyarihan ng aksidente kung kaya't medyo malayo din ang nilakad namin.
pag lampas ng saint anthony, madaming sumakay sa jeep at napuno ito. halos lahat ng pasahero mga babae. dalawa lang ang lalaki (si chris at yung isang lalaki na nakaupo sa harap). maayos naming natahak ang a.linao hanggang sa quirino highway. ngunit pag tawid ng highway, dun na nangyari ang aksidente. hindi nanaman naka concentrate si manong sa dinadaanan namin at nakatingin
hindi ko na picturan ang *scene of the crime*. hindi ko din napicturan ang plate number ng jeep na nasakyan namin. marahil ng dahil sa trauma at pagkabigla. pero tandang tanda ko ang itsura niya. maliit lamang sha na jeep (mga tipong animan lang) at red ang kulay niya. hindi na rin namin nagawang bawiin ang pamasahe namin. medyo malayo pa kasi ang puregold sa pinangyarihan ng aksidente kung kaya't medyo malayo din ang nilakad namin.
No comments:
Post a Comment