
ang march at april ay ang mga months na napaka importante sa mga estudyante ggraduate o mag tatapos. graduation means two things: nakatapos ka AT magsisimula ng panibago. Para sa mga elementary at high school, ang ibig sabihin ng graduation ay panibagong simula o level ng pag aaral. pero para sa mga college, ang ibig sabihin nito ay pagtatapos ng kanilang buhay bilang estudyante at pag sisimula bilang isang worker. shempre hindi ito applicable kung ang isang college graduate ay may balak pa ulit mag aral (mapa masteral man o ibang kurso).
naisipan kong magsulat tungkol sa topic na ito para i-honor ang mga grumaduate. mamaya kasi pupunta kami sa isang graduation party ng pamangkin ko. nagtapos sha ng kursong psychology sa UP. shucks.. parang ang tanda ko na no? meron na akong pamangkin na college graduate. hahaha...
going back to the topic, ang graduation ay hindi lang para sa mga estudyante. ito'y para din sa mga magulang. parati nilang sinasabi na ang pinakamasayang moment ng mga magulang natin ay ng sinilang nila tayo, nakapag tapos tayo ng pag aaral at ang maging matagumpay tayo sa ating napiling career. para sa mga magulang, napaka sarap isipin na nakapag tapos ng pag aaral ang kanilang anal. proud moment nila ito bilang parents. shempre, bonus kung ggraduate ang anak nila ng with honors.
nung nag aaral pa ako, very special parati ang graduation day ko. mapa elementary, high school, o college. masarap sa pakiramdam pag may suot kang otga at aakyat ka ng stage para kunin ang pinaka aasam-asam at pinag hirapan mong diploma.
pero sabi ko nga, ang kahulugan ng graduation ay di lamang pag tatapos, ngunit ito'y nangangahulugan din ng bagong panimula. lalu na sa mga ggraduate sa kolehiyo. mahirap ang buhay college. pero mas mahirap ang buhay mag trabaho. ito ang hamon na haharapin ng mga college gradute ngayon.
kaya para sa kanila: WELCOME TO THE WORLD OF UNEMPLOYMENT. hahaha... ang pag hahanap ng magandang trabaho ay isang napakalaking hamon. hindi lang diploma, TOR, o medalya ang kelangan para malampasan mo ito. kelangan din ng tyaga, practice (para sa interview), at kapal ng mukha (para ibenta ang iyong sarili sa employer).
once again, CONGRATULATIONS! and may you have more graduations to come. hehehe...
No comments:
Post a Comment