some strange things about me and cough:
- once a year lang ako magka ubo
- during december/january lang sha dumadating sa buhay ko
- nag sstay sha for 1 month. wala akong TB. talagang mahina lang resistensiya ko sa ubo kaya matagal sha bago mawala
- di ako marunong maglabas ng plema. sa tingin ko, isa pa yan sa reason kung bakit matagal mawala yung ubo ko. ewan ko ba. ang weird diba? wala pa akong ibang taong nakikilala na hindi marunong maglabas ng plema. ako pa lang.
- walang sinabi ang tuseran, bisolvon, solmux, sinecod, lagundi, at kahit ano pang gamot sa ubo. dalawang gamot lang ang nakakagaling sa matinding ubo ko: anti-biotics and solmux broncho. reseta yan ng doktor kaya don't worry. mei clearance yan.
haay.. sa ngayon, eto at masakit na ang dibdib ko kakaubo. nung january pa ako inuubo at pebrero na eh andito pa din sha.
mamaya bibili na ako ng gamot na magpapagaling sa akin. hopefully by next week wala na akong ubo *sigh*
No comments:
Post a Comment