haaay... ang panahon, pabago bago. kanina maaraw, ngayon maulan... kanina ang init, maya maya babagyo. kaya usong uso ang mga sakit! ubo, sipon, lagnat, trangkaso, name it! present lahat yan!
dito sa office, kanya kanyang timing na ng pagkakaron ng sakit... yung iba nauna na at ngayon eh magaling na. pero karamihan, ngayon pa lang nagsisimula ang sakit. yung isa nag halfday na, yung isa nag absent na ng isang araw pero pumasok na ngayon kahit dpa sha tuluyang magaling (hahaha... sno kaya sila? :p)
so anong point nitong blog post na ito? wala lang! gusto ko lang mag update... bakit ba? hahaha... pero seriously, di ako nakaligtas sa epidemya na ito. nung friday ng gabi, masama na ang pakiramdam ko. pag dating nung madaling araw, aba nilalagnat na ako. mabuti na alng at malakas ang resistensha ko. pag dating ng umaga, magaling na ako at naka attend pa ako ng band practice ko sa QC.
pero di pa pala tapos yun... ngayon naman, sinisipon na ako... mabuti na lang at sipon lang ito.. walang ubo. ang hirap kasi pag nagkaka ubo ako. mahina ang baga ko pagdating sa ubo. naka anti-biotics na nga ako pag nagkaka ubo kasi tumatagal ng mahigit isang buwan ako ubo sa katawan ko. hindi yon maaari dahil mei gig ako sa sabado at ang shunga naman kung habang kumakanta ako eh maubo ako sa harap ng mga kapipolan.
kaya kayo, hanggat maari, iwasan niyong magkasakit. ito ay posible sa pamamagitan ng:
so ayan... sana naman makatulong itong mga tips ko. pero kung di na talaga maiwasan ang sakit, madali lang naman yan... magpahinga, kumonsulta sa doktor, at uminom ng gamot :)
and always remember, WEATHER WEATHER LANG YAN! :D

- pag tulog ng maaga (or kahit man lang at least 8 hours a day)
- iwasan ang pagpupuyat kung wala namang importanteng gagawin (ayos sa pagaaral, yung mga nagpupuyat kanonood ng porn ang madalas magkasakit. hahaha...)
- uminom ng maraming tubig. kung mayaman kayo, mag fresh juice kayo. FRESH ha... hindi yung powdered... wala kayong makukuhang sustansiya don.
- kumain ng sapat... hindi labis, hindi rin kulang. tama lang... at siguraduhing masustansiya ang kinakain niyo. cliche na pero gulay at prutas pa rin ang mainam na panlaban sa mga sakit
- wag magpapaulan at wag di magpapa tuyo ng pawis. pabago bago ang panahon ngayon... di mo alam kung kelan uulan at di mo din alam kung kelan maaraw. wag kakalimutang magdala parati ng payong. dahil ang payong ay pwede sa ulan at araw.. o diba double purpose..
- kung mei officemate o kasambahay kayo na mei sakit na, sabuyan niyo ng alchohol. hahaha... seriously, dapat lagi kayong mei dalang alchohol. oo na mukha kayong OC pero prevention ito sa sakit... at prevention is better than cure.
so ayan... sana naman makatulong itong mga tips ko. pero kung di na talaga maiwasan ang sakit, madali lang naman yan... magpahinga, kumonsulta sa doktor, at uminom ng gamot :)
and always remember, WEATHER WEATHER LANG YAN! :D
No comments:
Post a Comment