sori ngayon lang ulit ang update. naging busy ang alien eh... lam niyo na... personal issues... oooopppsss... tama na ang EMO mode. sharing moments na tayo ngayon.
hehe... gusto ko lang i-share yung na experience ko kelan lang sa kanto ng pasong tamo at j.p rizal..
gabi gabi, dun ako sumasakay ng jeep byaheng san andres bukid. isang gabi, pauwi ako nun... typical scenario na ang mei naka hintong jeep (mapa herran o bukid) sa tapat nung parang traffic enforcer headquarters kuno. sori dko alam tawag dun kasi dko alam kung traffic enforcer nga yung mga nakatalaga dun kasi iba uniform nila (hindi yung typical yellow traffic enforcer suit. basta iba. puntahan niyo na lang para makita niyo. hehehe...)
anyway, sakto na jip byaheng bukid ang nakahinto dun. so sumakay na ako.. yung isang traffic enforcer nandun sa side nung driver. akala ko nag uusap sila. usually yung mga ganung bagay dko na mashadong pinapansin at mas gugustuhin ko na lang na mabingi sa MP3 player ko. kaya lang, napansin ko napapalakas ang boses nung traffic enforcer... kaya naman naki usyoso na ako, pinatay ang MP3 player, at pinakinggan/pinakikiramdaman ang nagaganap sa aking paligid kahit na hindi ko naman ito normal na ginagawa.
ang nangyari pala ay nasagi (take note: NASAGI. hindi nabangga, hindi nabundol. as in nasagi lang) nung driver yung traffic enforcer habang itinatabi niya ang jip para hindi makasagabal sa iba pang sasakyang dumadaan. parang nainis yata ang traffic enforcer ngunit kaagad namang nag sorry yung driver.
unfortnately, dahil alam nung traffic enforcer na mei kapangyarihan sha, tinakot ng tinakot ang driver. pinapababa ito ng jeep at sinasabing kukumpiskahin ang kanyang lisensya dahil sha daw ay reckless driver. HAHAHA.. ooopppss... sori natawa ako. eh nakakatawa naman kasi talaga. kung titingnan mo, napakaliit lang na bagay nun pero pinapalaki sha sa di malamang kadahilanan.
ayaw bumaba nung jeepney driver kasi nga naman nag sosorry naman sha at ang daming saksi na di naman grabe ang ginawa niya. sabi nga nung pasahero na nakaupo sa likod nung driver "wag kang bumaba. sumosobra na sila. porket mei kapangyarihan sila". narinig ito nung trafic enforcer at sabay pasigaw sinabi dun sa pasahero na "EH NAKITA NIYO NAMAN DIBA BINUNDOL AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!". nung mga panahon na ito, bumaba na ako ng jip at lumipat na lang sa iba. gusto ko pa sana maki chismax pero pagod ako sa trabaho at gusto ko na talaga umuwi kaya dko na nalaman kung ano pa ang sumunod na nangyari...
nakakainis isipin na kung sino pa ang mga inaasahan nating tutulong sa atin para mapabuti at tiyakin na sumusunod tayo sa batas (or in this case, batas trapiko) eh sila pa ang pasimuno ng gulo, away, at shempre di mawawala ang abuse of power. mga leche sila! sana matauhan sila sa ginagawa nila! kaya wala akong tiwala sa mga pulis at traffic enforcer ng Pilipinas eh. halos lahat sila mapang abuso. kahit kelan talaga, never akong naging bilib sa kanila >_<

No comments:
Post a Comment