haaay naku... i have the most boring and saddest valentine's day ever... naturingang mei nobyo ako pero wala... eto ngyari saken. naturingnan buo ang pamilya ko... pero ayun... mas inuna pa ang ibang tao kesa sa piliing mag celebrate ng valentine's day kasama ang pamilya.
WARNING: ito ay EMO post ulit.. so BEWARE... you have been warned. kabanas kasi eh...
nung lunes pa lang, namomoblema na ako kung ano ibibigay na regalo sa nobyo ko. isang linggo na lang... wala pa rin ako naiisip o nabibili/nagagawang regalo. ang loser ko talaga. haha... pero ewan ko ba... pagdating nung miyerkules, tuluyan na akong tinamad. feeling ko kase ako lang ang nag eeffort. at tama naman pala ang hinala ko... kahapon, nagsabi sha na masama ang pakiramdam niya. sabi ko magpahinga na lang sha ng sunday at wag na lang kame umalis dahil baka lalu lang ito makasama sa pakiramdam niya. hanggang sa kaninang umaga, umaasa akong magiging ok ang pakiramdam niya. eh unfortunately, wala talaga. mukhang ayaw ng tadhanang mag date kami ngayong valentine's. walang ka-roma-romansa ngayong araw na to. pero ok lang. dpa din ako na badtrip. una, naisip kong yayain ang barkada kong gumimik. kung baga, kami kami na lang mag date para naman masaya pa rin. tapos naisip ko, bakit di na lang family ko yayain kong umalis. para family date = QT. so akala ko ok na... nagbihis na nga ako eh. eh kaso itong nanay ko, inuna pa yung ibang tao. kesyo bibigyan daw niya ng pasta itong certain na tao na ito dahil nag promise daw sha. natapos sha magluto 7:30 na. dadalhin pa niya yung niluto niyang pasta dun sa bahay nung taong yun. so anong oras na kami aalis? alas nuebe? ano yun? kami na magsasara ng mall?
sa inis ko, sabi ko wag na lang kami umalis. so eto nakakulong ako sa kwarto at nag uupdate ng blog para mag post ng EMO/hatred blog post. nakakabanas lang. akala ko magiging happy ang valentine's day ko dahil unang una mei boyfriend ako... at pangalawa, super happy yung last 3 valentine's day ko. gumawa pa ako ng paraan para lang maging happy itong araw na ito kahit papano. kaya lang, wala pa din. this is not my day... as in!!!
ang ironic pa dito eh maya maya lang, mag popost naman ako ng article about valentine's day in the philippines dun sa philippine related blog ko. argh!!!!
to dear boyfriend: wala kang kwenta. sobrang wala kang effort..
1 comment:
Di ka nag iisa. May kasama ka. :)
Ako ok lng sa bahay natulog. :)
Post a Comment