... and i believe i have to warn you that indeed this post is a serious one... >_<
at the age of 13, i already know how to shop for christmas gifts NOT for my inaanaks but for my family (mamang, papang, and erica). and whenever i buy them gifts, i always see to it that what i'll give them is what they really want. kase, dun mo makikita na they will really appreciate what you have given them. plus the fact that you will receive 10,000 thank yous (literary) from them.
when i became an adult (meaning mei work na ako), tsaka pa lang ako nagkaroon ng inaanak (LEGAL inaanak. hindi yung feeling inaanak ko lang). and as their ninang, im obliged to give them gifts every celebrations na related sa kanila. but of course, christmas lagi ang pinaka importante.
i remember last year, i gave one of my inaanaks some dora the explorer stuff. these so-called STUFF includes dora the explorer bag, dora the explorer complete set of coloring pens and drawing materials, dora the explorer coloring books, dora the explorer pencils, dora the explorer pencil case, and dora the explorer tumbler. love na love kasi talaga niya si dora the explorer kaya yun yung naisip kong ibigay na gifts sa kanya coz i know sobrang matutuwa siya. mind you, hindi ko sa isang store binili lahat ng yan. i literary searched ALMOST all of the malls na mei dora the explorer stuff. ganun ako ka OC when it comes to shopping. kasi nga, gusto ko maapreciate nung pinagbigyan ko yung gifts.
na appreciate naman ng inaanak ko. gustong gusto niya yung dora the explorer stuff niya. and ginamit agad lahat ng yun. unfortunately, the parents (which is btw my cousin) laughed and joked about the gifts i gave her anak. she was joking that the stuff that i gave her anak were all like fake and yung isang dora the explorer stuff daw eh parang mei hepa dahil naninilaw. to make it short, parang pinapalabas niya na sa isang mumurahing lugar ko lang nabili yung stuff na yun. i know it was only a joke but i was deeply hurt with what she told my other cousins when we had our family reunion. naging laughing stock tuloy ako ng pamilya. it just hurt so much when you know you exerted too much effort (and MONEY) but is still not enough at naging laughing stock ka pa. maybe you're thinking na i should just defended myself and what my cousin said wasn't true. yeah i should do that. but the problem is, i-rreason out lang niya na she was just joking and that they she have no intentions of hurting my feelings. tapos magiging big deal yun sa family namin tapos ang kalalabasan eh ako nanaman ang mag mmukhang ewan dahil nagiging OA ako.
ewan ko... siguro nga OA ako. but can't they just be grateful and thankful for what i have done and what i have given them para masaya ako, masaya sila, at masaya tayong lahat?! necessary bang gawin pang katawa tawa ang pag bibigay ko ng gift? eh naging useful din naman sa kanila yung gift ko dba?
so this christmas, hindi na ako masyadong nag effort. well yeah siguro by this time eh nakita niyo na yung pictures that i took when i went christmas shopping with chris sa MOA. and promise, di pa effort yan... hehe...well, technically effort pa rin pero di na kasing daming effort just like last christmas. i shopped for toys pero wala na akong pakialam kung magustuhan pa nila or hindi na. after all, magustuhan man nila or hinde eh paniguradong laughing stock pa rin ako. it wouldn't hurt that much though kasi nga less effort ako (i hope)
tanong niyo sa akin kung bakit ako ang paboritong laughing stock nila? honestly, i don't know... eh hindi naman siguro ako mukhang joke time di ba?
ok... enough of that drama... kasi mei isa pa...
another reason why i wanna give gifts to other people that they really want is because, ganun din ang gusto kong gawin ng ibang tao sa akin. seriously... im ranting about other people giving me gifts... meron pa namang nag bibigay ng gifts sa akin every christmas. like si mamang, papang, erica, chris, and the other ninangs ang ninongs na mayayaman and carry pang mag bigay ng regalo sa isang tulad kong mei trabaho na. unfortunately, halos lahat sila eh di ko na maappreciate ang binibigay sa akin. damit, bags, damit, shoes, damit... and have i mentioned damit? ano ba akala nila sa akin? isang dukha na hindi makabili ng damit? mabuti sana kung gusto ko yung damit eh. ang kaso hindi din! so ang tendency, dko din magagamit at dagdag pampasikip nanaman sa aparador ko yun!
haaay... alam ko naman na gazillion ang inaanak ng mga ninong at ninang ko. pero naman... pwede naman sigurong every year eh iba ibahin nila yung binibigay sa akin. pwede naman sigurong this year damit... then next year eh sapatos naman... tapos next next year pera or GC... wag naman yung this year: damit. next year: damit. next next year: damit. akala naman nila ang ganda nung damit na binibingay nila... haaay...
shempre di ko tinatanggihan yung gift nila. out of respect, tatanggapin ko yun at mag tthank you at bahala na kung anong gagawin or san ko ilalagay yung damit na yun. kaloka...
ok... the main point is:
-
hindi ko kelangan ng maraming regalo. kahit mag ambag ambag yung sandamakmak kong ninong at ninang para makabili ng isang regalo na maaapreciate at magagamit ko naman eh mas matutuwa naman ako nun. kesa naman sa lahat sila mei regalo sa akin pero pare pareho namang t-shirt na hindi ko din magagamit. anu kaya yun... sus...
-
ok fine. maaring hindi feasible ang unang point ko. pero sana, kung willing talaga silang regaluhan ako eh mag research naman ng konti tungkol sa akin. actually, hindi na nga kelangang mag research kasi super dooper obvious naman na computer freak ako. anything that deals with computer eh masaya na ako. kahit IDE cable pa yan (lol)
-
o sige... assuming na walang alam sa computer ang mga hippie kong ninongs at ninangs... edi sana yung perang pambili nila ng regalo sa akin eh yun na lang ang ibigay nila at sabihan na lang nila ako ng hindi nila alam ang ibibigay sa akin kaya pera na lang at ako na ang bahalang bumili ng gusto ko. o diba practical yun? less hassle sa kanila tapos maaappreciate ko pa!
-
oh well... hindi naman maiaalis sa ugali ng mga nakakatanda nating ninongs at ninangs na pag pera lang ang binigay mo eh korni ka. edi kung ayaw nila ng cash, GC na lang. same as cash, but is not cash. magagamit ko din yun! at maaapreciate ko pa! kesa naman sa tshirt.
at para sa mga ninongs at ninangs na nag eeffort na mag regalo sa akin ngayong pasko, ito ang aking mga suggested gifts na pwede niyong ibigay sa akin na pihadong maaappreciate ko:
-
shoulder laptop bag na black. wag yung baduy ang design ha! super magagamit ko to lalu na sa office! kung hindi kayo sigurado sa design na maappreciate ko, bigyan niyo ko pera (mga 2k - kasama na kickback)... at ako na ang bahalang bumili ng design na gusto ko
-
1000 pesos na globe prepaid load. super magagamit ko yan kasi cellphone freak ako di ba?
-
gadget freak ako. so any gadgets, super maappreciate ko yan:
-
digicam - canon lang! pwede din sony. pero gusto ko yung flat.
-
videocam
-
cellphone - mei cam, nakakapag play ng music, mei radyo, expandable ang memory... mas ok kung fliptop - kung hinde, oks na din. ok na din kahit walang 3g dahil pihado eh di ko din naman magagamit yun ng todo todo
-
television. cable ready. semi flat o kung flat gusto niyo edi shempre mas pabor sa akin.
-
dvd player. kung mag reregalo kayo ng tv, samahan niyo na din ng dvd player
-
ipod - nano, shuffle, o kahit anong ipod
-
ps2, psp, xbox, o kahit anong gaming gadget. at shempre phased out na ang gameboy, tetris, sega, at family computer. naman!
-
mp3, mp4, o kahit anong number pa ng mp ang gusto niyo. basta ang importante eh media player siya
-
flat screen monitor. kahit ilang inches basta flat screen. kung ok lang sa inyo, samahan niyo na din ng bagong CPU. o isang brand new computer set na lang kaya na mei pentium 4 na processor?
-
laptop. magreregalo na lang din kayo ng laptop eh wag naman yung bulky. at sana eh stylish naman. kung super duper mega to the nth level ang yaman niyo, ok na sa akin ang macbook air. kung di niyo alam kung ano yun, punta lang kayo sa tindahan ng mga computers. sa mac center or sa digital hub para sigurado.
-
drumset. ok lang kahit segunda mano. basta in good condition siya. at sana kumpleto na. mei bass drum, snare, cymbals... kahit wala ng drumstick. pero kung sasamahan niyo ng drumstick, zildjian na black sana.
-
electric guitar. with amplifier and cable na ha. kung gusto niyo, samahan niyo na din ng effects. ok na sa akin ang fender strat
-
kotse. ok na sa akin ang segunda mano. basta mei aircon, radyo na mei magandang speakers, at tinted ang kulay ng bintana. pero bago niyo ibigay sa akin to, siguraduhin niyo munang naturuan niyo na ako kung pano mag drive
-
condo unit. yung hindi for rent ha! yung nabili na. yung tipong ako na yung mei ari. at ayoko sa cityland or megaworld.
-
kung ayaw niyo yung mga naunang sinuggest ko pero gusto niyo talaga akong regaluhan eh, i happily accept cash. GC sa SM ok din. kung malayo kayo, pwedeng thru xoom. o kahit paypal ok na din.
sa maniwala kayo o sa hinde, seryoso ako sa post na to. at seryoso din ako sa mga sinuggest ko. siguro nga ang kapal ng mukha kong humingi ng ganyan. pero di ko naman kayo inoobligang mag bigay. ang point ko lang is, kung mag bibigay rin lang kayo eh lubus lubusin niyo na. i don't mind receiving one gift this christmas. basta ba magagamit at maaappreciate ko siya di ba?
o sige... ikakalat ko muna tong post na to sa iba pang sites. ng mabasa ng mga ninong at ninang ko. eh sa mayaman naman sila eh! siguro naman nag iinternet din sila di ba?
P.S: yung shoulder laptop bag, yan talaga pinapangarap ko this christmas. yun lang matanggap ko eh masayang masaya na ako...
No comments:
Post a Comment