dapat ito ang correct title para dito eh: ako @ office = confused; where confused = promotion && career growth but promotion != career growth
title translation: ako at the office is equals to being confused; where confused is equals to promotion and career growth; but promotion is not equal to career growth...
haaay...
sa totoo lang, madami akong gustong isulat ngayon sa Blog ko. pero for the pass few days, super mas naging busy ako sa work.
bakit?!?!?! eto ang dahilan:
nang nag resign si sir mike, nwalan ng choice ang EXM dahil wala silang nakitang pwedeng pumalit sa kanya as lead ng special operations support services. at dahil dito, kaming mga under ni sir mike ay inilipat sa ibang team. sa RTSS kami napunta pero eventually ay lumipat din si bart sa operations.
medyo mahabang panahon na nawala si maki sa office ng dahil mei inayos siyang family problems. ngunit pag balik niya, napag desisyunan din niyang lumipat na sa operations kung saan nandun sina bart at jade.
hindi ako nag planong lumipat sa kahit saang team. nag stay lang ako sa RTSS dahil mei iba akong pinaplano. that time, inisip ko na since wala na si sir mike sa DWH, yun na siguro ang sign na pwede na akong humanap ng career growth. wala akong pinag sabihan nito. kung meron man, iilang tao lang yun na sigurado akong hindi nagkakalat ng chismis.
naghintay lang ako ng tamang timing para ipasa ang dapat kong ipasa para ma formalize ang aking pagiging malaya.
ngunit, ilang araw bago ko isagawa ang aking nabuong plano, ay mei twist na ngyari...
last thursday morning, tinawag ako ni lolo sa kanyang opisina. nagulat ako sa pag lapit niya sa akin ngunit wala akong choice kaya sumunod na lang ako sa kanya. doon niya diniscuss ang plano niya para sa aking future career. bubuo sila ng bagong team. ito ay team ng mga link builders (link popularity specialists) at sa dahil daw alam niyang asset ko ang link building, ilalagay niya ako sa team na yun as a senior link popularity specialist. ako ang mag hhandle nung team na yun, pero under the management of jade :)
marami ng team ang hawak ni jade. nandyan ang copywriters, web designers, SEMs (senior nila si mike), at ngayon ay madadagdagan ng link builders. iba talaga si jade! lupit! kaya nga idol ko yun eh! magaling siyang manager! ;)
actually, habang dinidiscuss niya yun, ay halu halong emosyon ang nararamdaman ko. isa na diyan ang pagiging excited dahil sa wakas ay magagampanan ko na ang gusto kong trabaho. ngunit sa kabilang banda ay mei naramdaman din akong konting pagka lungkot dahil ang ibig sabihin nun ay hindi na matutuloy ang plano ko. maganda man ang inoffer sa akin, wala pa ring linaw kung kailan ito mangyayari. although, nararamdaman kong malapit na pero magpa sa hangang ngayon ay wala pa akong final title, final designation, final team, final table, at higit sa lahat: final salary.
aaminin ko, pag dating sa mga usaping trabaho at sweldo ay medyo sensitive ako. shempre kng mei promotion sa trabaho, dapat mei katumbas itong promotion sa sweldo. ngunit hindi yata ganun ang mangyayari at kelangan ko muna yatang mag hintay.
sa ngayon, hati ang trabaho ko. actually doble nga. kung dati ay full time ako sa iisang team, ngayon ay full time ako sa dalawang team. mei trabaho ako sa RTSS, at mei trabaho din ako sa operations. ngayon lang ako naka experience ng ganito. pero sa totoo lang, masaya ako (and at the same time eh pressured. hehehe...) kasi nalaman ko na kaya ko palang mag trabaho ng ganito.
medyo mei kaba din akong nararamdaman. first time kong magiging senior at first time kong hahawak ng mga tao. sana naman magampanan ko ng mabuti tong work na to.
P.S: sa mga gustong mag apply as LPS diyan, send lang kayo ng resume sa akin. hehehe... :D

No comments:
Post a Comment