Earn $$ with WidgetBucks!


My Photo
Name: gUrLaLiEn
Location: P L U T O, Philippines

A bachelor of science in information technology - specialized in HP-UNIX administration graduate of Mapua Institute of Technology - Makati City. Currently employed as a Link Popularity Manager in Makati City.



Web CEO Certified



Earn $$ with WidgetBucks!

Powered by Blogger



    gUrLaLiEn now accepts freelance/part-time SEO work. This includes the following:
  • SEO (onpage and offpage optimization)
  • LinkBuilding (directory, article, and press release submissions)
  • Copywriting (article and press release)
    If you're interested to take advantage of her services, you can send her a message here.




credit card

the simplest definition of a credit card is 'the easiest way para mabaon ka sa utang' lol... well, kung hindi ka magaling mag budget sa pera, sa malamang eh mababaon ka nga sa utang pag nag credit card ka. it's just a matter of discipline baby... hehehe...

gUrLaLiEn - Credit Card
this is my hsbc credit card. second
issue na to sa akin. yung first kasi,
kasama nung na snatched kong
wallet kaya pina block ko agad
yun at nag request ng bago


wala talaga sa plano kong magka credit card. as in sa tanan ng buhay ko, never kong inisip na magkaka credit card ako. kaya lang, napaka bad influence talaga neto ni annalyn (lol) so nung nag apply siya sa hsbc, nag apply na din ako. sabi ko sa sarili ko, gagamitin ko lang siya pag uber kelangan. haha... wala din... kinain ko din yung mga sinabi ko. anyway... i received my first credit card last september 2007. so isang taon na akong credit card holder ng hsbc. nung una ko siya natanggap, ang unang unang purchase ko eh kama. kasi sira sira na kama ko that time kaya bumili agad ako ng kama pagka tanggap ko ng credit card ko. tapos ang una kong resto purchase with my hsbc credit card eh sa friday's. kasi ni-treat ko si family ko dun. :)

so much for the 'gagamitin ko lang siya pag uber kelangan' kasi ang daming purchases na ang pinagdaanan ng hsbc credit card ko. pati cellphone ko ngayon, salamat sa credit card yan! madalas pag kakain kami sa resto, credit card ko gamit. ok lang... controlled pa rin naman ang purchases ko. and di lumalampas ng 5k sa isang buwan ang mga kinakaskas ko para payable pa din. actually dati, sabi ko 2k lang limit ko every month. eh tumanda na ako eh. kaya naging 5k na. lol..

one time, mei biglang dumating na mail sa bahay namin. galing bdo. pag bukas ko ng envelope, aba... nagulat ako... nakalagay dun 'Congratulations! you are chosen by banco de oro to own a bdo credit card' so na excite ang lola mo dahil hindi naman ako nag apply ng credit card sa bdo pero nagkaron pa rin ako. kung baga, ang sabi dun sa letter na narecieve ko eh since loyal depositor ako ng bdo eh binibigyan nila ako ng bdo credit card with SM advantage card. tumawag lang ako sa call center nila and wala pang 5 business days eh activated na si second credit card. hehehe...


gUrLaLiEn - Credit CardgUrLaLiEn - Credit Card
this was my first bdo
credit card
just got this one. nag
issue sila ng panibagong
card with a new design
and extended expiration
date :)




madami dami na din akong purchases sa bdo credit card ko. pero as usual, mostly puro pagkain. haha... eh anong magagawa ko... masarap kumain... :p medyo nagkaron nga lang ako ng konting problema sa pag bbill sa akin ng bdo (e.g. today ang due date ko pero today ko lang din na reciv ang bill ko). twice ko tinawag yun sa bdo. so as a resolution, sa office ko na lang pina mail ang statement of accounts ko. mukhang nahihirapan silang hanapain ang liblib naming bahay. lol...

before ko natanggap ang bdo credit card ko, nag apply ako sa citibank. eh ang arte ng mga loko! kahit mei credit card na ako sa hsbc eh dineny pa rin ako! hmmmp! mukhang naliitan sa sahod ko. haha... pero ayus lang... kasi dumating na sa buhay ko si bdo credit card. pero naman... mei tumawag sa aking agent ng citibank at sila na ngayon ang nag aalok ng credit card sa akin... haha... tinarayan ko nga! sabi ko 'inaalok niyo na ako ngayon?! eh samantalang dati, ni reject niyo request ko. tapos ngayong dalawa na credit card ko, tsaka niyo ako tatawagan?! eh aanhin ko pa yang credit card ng citibank?! eh baka mabulok lang yan sa wallet ko' tarush no! haha...

akala ko, tapos na ang aking credit card story. aba akalain mong mei tumawag sa akin last friday lang. taga AIG naman at ready to ship na daw ang credit card ko. gusto nilang malaman kung sa office or home address ko gustong ipa-ship ang credit card. so shempre for security reasons, nag tanong ako kung san nila nakuha info ko. i found out na sa bdo galing ang info ko. haha... sikat ako ah! lol... shempre nag tanong ako kung bakit ako tinawagan nila? (lol... ano bang klaseng tanong yan) sabi ni agent, mga good payers lang daw ang tinatawagan nila (binola pa ako amp!) so ibig sabihin good payer ako. haha... langya... if i know, gusto lang nila akong mabaon ng mabaon sa utang... haaay... anyway, eh di ba mei issue ang AIG? baka lalu silang lumubog sa utang pa binigyan pa nila ako ng credit card... good luck na lang... hehehe... :p


NOTE: for security purposes, binura ko muna yung credit card number ko. lol...

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home



WidgetBucks - Trend Watch - WidgetBucks.com


Copyright © 2006-2007 gUrLaLiEn