Huwebes, ika-anim ng gabi
- bumaba ako saglit at nag punta ng ministop para bumili ng aking meryenda. gusto ko sanang kumain kahit kaunti dahil nagugutom na ako at alas siyete pa ang uwi ko. hindi ko dinala ang aking wallet. bumawas na lamang ako ng singkwenta pesos sa laman nito dahil hindi naman ako gagastos ng malaking halaga. pag dating ko sa ministop, dumiretso agad ako sa aisle na mei mga tinapay. nakita ko ang isang supot ng hopia. kinuha ko ito para tingnan ang presyo ngunit walang nakalagay. sabi ko na lang sa sarili ko 'di bale. di naman siguro ganung kamahal to'. pumunta naman ako sa lalagyanan ng mga inumin para ipang terno sa aking hopia. hinanap ko ang pinaka murang inumin ngunit masarap. nag desisyon akong kunin ang maliit na C2 na nagkakahalagang 18 pesos. dumiretso ako sa counter upang magbayad. pagdating ko dun, nakita kong 36 pesos pala ang hopia. ang total ng aking binili ay 54 pesos (36 pesos ang hopia at 18 pesos naman ang C2). naku patay! 50 pesos lang ang dala ko at wala na akong dalang kahit ano pang barya. sabi ko tuloy kay ate 'hala ate 50 pesos lang yung dala kong pera. pwede bang yung hopia na lang bilhin ko? ibabalik ko na lang yung C2'. nakakahiya man pero ganun ang ginawa ko. eh tutal wala naman akong lusot kahit anong gawin ko. mabuti na lamang at mabait si ate. sabi niya 'balikan niyo na lang ma'am yung 4 pesos'. natuwa naman ako sa sinabi niya 'talaga ate? naku maraming salamat! sige akyat po muna ako'. so umakyat ako ng mabilis at humingi ng 4 pesos kay aldo (hehe... wala akong barya eh). bumaba agad ako upang ibayad ang kulang kong kwatro pesos.
nakakainis isipin na naturingan akong mapuan pero ang bobo ko mag add. haha... o sige uupakan ko muna ang hopia at C2 na binili ko. :D
4 comments:
Enge ako hopia gurlalien :D
@tyrone:
ayoko! madamot ako! :p
at nadamay pa si Aldo! hehehe!
@rom:
hehe... tinulungan nga ako ni aldo eh :p
Post a Comment