graduating ang bunso kong kapatid sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa course na Hotel, Travel, and Restaurant Management (HTRM). matalino ang kapatid ko... masipag, matyaga, at higit sa lahat maganda (hehe... pampalubag loob) yun nga lang, ireg siya sa PLM kasi bago siya pumasok dun ay kumuha siya ng vocational course na culinary arts (sabi sa inyo magaling eh). so ayan... given na irreg siya, expected na madami siyang back and advanced subjects. mei mga kaklase siyang ahead sa kanya at mei mga kaklase siyang mas ahead siya (you know what i mean...)
ito ang tunay na ngyari...
nung second year siya, nag enrol siya ng PE3 (fundamentals). kaya lang, sa kasamaang palad, nasaraduhan na siya. so ang sabi sa kanya ng registrar 'badmintton na lang kunin mo. tutal katumbas din naman yun ng fundamentals'. edi yun ang ginawa ng kapatid ko! tutal wala nanaman siyang ibang choice di ba? so ayan... move on... nakapag PE4 siya, nakapag third year... graduating... and so on... last january 2008, bumalik siya sa registrar para makapag pacheck ng requirements at mga load niya kung ok na. ang sabi sa kanya ng registrar 'naku iha, invalid ang PE3 mo. dapat fundamentals ang kinuha mo. kasi di pre-requisite ng PE4 yan. hindi ma-aacredit yan' WTF?!?!?! hindi pre-requisite?!?!?! eh nakapag PE4 nga siya eh! ang bobo talaga! di ba kaya sinabing PRE-requisite eh kelangan niya munang makumpleto ang PE3 bago niya makuha ang PE4? kung di din lang pala valid ang PE3 niya, dapat hindi na siya hinayaang kumuha ng PE4. eh ang kaso pinayagan siyang kunin yun eh. so ibig sabihin, napasa at VALID ang PE3 niya!!! well anyway, lumapit siya sa dean ng course nila at ito ang sinabi sa kanya 'naku! madali lang yan! wag kang mag alala, ggraduate ka!' so ayan... happy na ulit ang kapatid ko. hindi na siya nag worry kasi mismong sa DEAN na nanggaling na ggraduate siya. so tuloy ang buhay niya... nakapag thesis siya... nakapag defense... nakapag grad pictorial... at nakapag bayad na ng lahat ng grad expenses.. eh anak ng tokwa! di pa pala tapos ang gulo...
clearance na... so lumapit na ulit siya sa rgistrar para magpa check ng load niya. ayaw pa din tanggapin ang PE3 niya. talagang pinanagutan na dapat fundamentals of physical education ang kunin niya imbis na badmintton dahil yun ang nasa curriculum nya. lumaki ang gulo... pumunta ang mama ko sa PLM para ayusin ang lahat. humingi pa siya ng tulong kay miss ester jimenez para ipa-realize sa registrar, sa dean ng HTRM, at sa dean ng PE na pagkakamali nila yun at hindi dapat ang kapatid ko ang magdusa sa katangahan nila!!! pinabalik balik sila ng ilang beses. holy week na yun at sa march 29 ang graduation DAPAT ng kapatid ko. pero wala kaming magawa kundi ang maghintay at umasa. sabi nung secretary nung dean 'balik ho kayo sa holy wednesday. half day ho kami nun. panigurado nandito ho si dean'. so yun nga ang ginawa ng mama ko at ng kapatid ko... bumalik sila nung holy wednesday pero ito rin lang ang sinabi sa kanila ng secretary nung dean 'eh hindi po dumating si dean ngayon eh. pasensya na po. pero ang sabi po niya, next week tuesday ho ang deliberation. by wednesday afternoon ho lalabas ang resulta. balik ho ulit kayo next week ng wednesday. panigurado mei resulta na yun!'. lahat kami napipikon na dahil halatang halata naman na ayaw kaming harapin at kausapin ng dean. pero wala kaming magagawa... pinalipas namin ang holy week at naghintay mag wednesday...
ito na... march 26, 2008 (wednesday)... bumalik sa PLM ang mama ko at ang kapatid ko. hoping na mei LUNAS na ang katangahan ng mga tao sa PLM. ang masaklap, hindi sila hinarap ng dean ng HTRM! napaka unprofessional! halatang natatakot at mei tinatago. lumapit sila sa dean ng PE. nakausap naman nila ito ng harapan ngunit wala din kwenta. ito ang sinabi ng dean ng PE sa kanila 'naku po wala akong magagawa diyan.' tama ba yun??? wala daw siyang magagawa! in the first place, DEAN siya! papaanong wala siyang magagawa?!?! pina trace niya kung sinong registrar yung nagpakuha sa kapatid ko ng badmintton imbis na fundamentals... nalaman nilang wala na (resigned na) ang registrar na yun. wala na daw talagang magagawa yung dean. di daw niya kasalanan yun (putang ina! para siyang si pontio pilato! hugas kamay!!!)
ang masaklap nun, hindi makakasama sa graduation ang kapatid ko. mag hihintay pa siya ng isa pang taon para lang makapag martsa. siya ang nagdudusa sa kasalanan at pagkakamaling hindi naman niya ginawa. ang masakit pa nun, magbabayad ulit siya ng tuition fee para sa lintek na PE na yun! di ba obvious na pineperahan lang kami? ang bobo naman nila! the mere fact na dun nag aral ang kapatid ko means, mahirap lang kami! kung mayaman kami, edi sana sa exclusive school namin pinag aral ang kapatid ko. mga bobo! badtrip talaga! magbabayad pa kami sa kasalanan at pagkakamaling hindi namin ginawa?! anong mga klaseng tao kayo? ha?
i swear, i will do evertyhing in my power para ipalaganap ang kwentong ito sa Internet. magsisisi kayo PLM! mali ang ginago at tinarantado niyo! gawin niyo ang tama! institusyon kayo! kilala kayo at respetado! tapos sisirain niyo lahat ng yon dahil sa maliit na pagkakamali niyo?! eh kung inamin niyo na lang sana ang pagiging ignorante at bobo niyo... at hinayaan niyo na lang sanang grumaduate ang kapatid ko tutal DESERVING siya edi sana walang gulong ganito!
NOTE: wala akong balak burahin ang post na ito. wala din akong balak umatras. kung gusto niyong linawin ang pangyayaring ito, madali akong kausap. haharap at haharap ako sa inyo! di ako ignorante. di ako katulad ng mga taga PLM na mukhang pera pero wala namang utak!







